Monday, August 24, 2009

Ang Kambal na Simbahan ng Bostillos, Legarda

Sa Pagdating ng mga Pransiskano

Noong 1576 nagbigay kautusan ang Hari ng Espanya na magpadala ng mga misyonaryong Pransiskano sa Pilipinas sa pamumuno ni Fr. Antonio de San Gregorio. Marami ang nabigla sa kautusan, ngunit nagbigay ng malaking halaga ang gobyerno ng Espanya upang makapagbigay suporta sa ekspidisyon gagawin.

Nagsimula ang ekspidisyon at nilisan nila ang Espanya noong Hunyo 24, 1577 at nakarating sa Mehiko sa tatlong buwan na paglalakbay. Sa kanilang paglalakbay, sari-saring problema ang kanilang naranasan, isa na dito ay ang pagmatay ng walong prayle dahil sa epedemya (Rodriguez; 1992, p.48). Dahilan sa kakulangan ng prayle na maipapadala sa Pilipinas, nangalap sila ng iba pang prayleng pransiskano sa Mehiko at nagsagawa ng panibagong ekspidisyon papuntang Pilipinas noong Marso 7, 1578 at nakarating sa Maynila noong ika-2 ng Hulyo sa parehas na taon. Ang labing-limang Pransiskano ay temporaryong nanatili sa pangangalaga ng mga Agustino bago sila mailipat sa panibagong distrito noong pyesta ng Birhen ng mga Angel noong ika-1 ng Agosto 1578.

Sa panahong nagdaan, itinuon ng mga Prayle ang kanilang atensyon sa pagpapakalat ng Katolisismo sa lungsod ng Maynila at maging sa mga kalapit lungsod nito. Nagpatayo sila ng mga simbahan sa Maynila, Lucban at maging sa Paete, Laguna (De Vera; 2005, p.11). Hinati nila ang kanilang samahan sa dalawahan upang magtungo sa iba’t ibang lungsod at ipakalat ang mga salita ng Dyos at gawing kristyano ang mga mamamayang Pilipino. Sila ang nagging guro sa mga katutubong Pilipino at tinuruan nila ang mga ito kung paano magsulat at magbasa. Sa pagtuturo ng mga salita, tinuruan din ng mga Pransiskano ang mga katutubo na intindihin ang mga doktrina sa bibliya.

Ang mga Misyonaryong Pransiskano sa Sampaloc

Noong 1613 nanatili ang mga Pransiskano sa Sampaloc dahilan sa masamang kalagayan ng San Francisco del monte, nagdesisyon si Fr. Blas de la Madre de Dios na manatili sa Sampaloc upang magtayo ng maliit na simbahan at maipakalat ang doctrina ng Kristyanismo. Isang mayamang nagmamay-ari ng malaking lupain sa Sampaloc ang nagbigay ng lupa sa mga misyonaryong Pransiskano at nagbayad sa pagpapagawa ng simbahan sila ay sina Don Pedro de Chavez at ang kanyang asawa na si Dona Anade Vera.

Bago ito maging isang kumunidad, nagging parte ito ng Sta. Ana. Ang kauna-unahang kura paroko ng Sampaloc ay si Fr. Agustin de Tordecillas, isa sa mga misyonaryong nagtungo dito dahil sa kautusang isinagawa ng Hari ng Espanya. Ibinigay niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Birhen ng Loreto noong taong 1616. Makikita ang kabuuhang imahe ng Birhen ng Loreto sa sentrong altar ng Simbahan. Pinaniniwalaan na ang imahe ng birhen ng Loreto ay nagmula pa sa mga Espanyol na Pransiskano na nagtungo sa Europa.

Noong 1639, nagkaroon ng rebulosyon sa pagitan ng mga Tsino at mga Espanyol at sinunog ang Simbahan. Ipinatayo muli ito ni Fr. Andres de Puertoliano ngunit hindi ito nanatili sa dating kondisyon nito kayat naisipan ni Fr. Francisco de Santa Catalina ang pagpapaganda at pagsasa-ayos ng simbahan, naghanap siya ng mga taong kusang magbibigay donasyon sa Simbahan. Dahilan dito nagkaroon ng mas malaking lupain ang simbahan na kinatatayuan nito, at maging napabago ang kabuuhang hitsura nito. Ngunit ito ang nagsilbing bahay bakasyonan ng mga Pransiskanong prayle na nanggagaling pa sa mga probinsya.

Noong 1692 nagkamit ng kauna-unahang printing press ang ating bansa at pinagkaloob ito sa Simbahan ng Birhen ng Loreto. Nagkaroon ng napakalaking kontribusyon ang pagkakaroong ng printing press sa Simbahan dahil mas medaling naipakalat ang mga turo ng panginoon. Ngunit noong 1808, ay nagkaroon ng malaking pagkakautang ang simbahan at ibinenta ang printing press sa “Venerable Orden Tercera” (VOT, ang Pangatlong Utos na nagmula pa sa Arsobispo ng bansa.

Vernerable Orden Tercera (VOT)

Noong 1609 nagsagawa ng Pangatlong utos mula sa mataas na kapulungan ng mga prayle na maitatag ang tinatawag na Vernerable Orden Tercera (VOT) ito ay ang pagbibigay tulong sa mga misyonaryo at mga prayleng nagtutungo sa ating bansa, at mabigyan ng libreng tirahan at sahod sa pang-araw-araw. Layunin din nito na ipakalat ang doktrina ng Panginoon sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas. At direktang sasabihin ang sitwasyon ng kanilang misyon sa mataas na kapulungan ng Vernerable Order Tercera. Ang Sampaloc ang nagging sentro ng Samahan.

Noong 1783 naging sentro ng relihiyong katolisismo ang Sampaloc sa kadahilanang ditto ipinatayo ang kauna-unahang opisina para sa Samahan. Naging aktibo ang samahan, isa sa mga naisagawa ng mga Pransiskanong prayle ay ang pagpapatayo ng isa pang maliit na simbahan sa tabi ng Simbahan ng Birhen ng Loreto noong 1794, upang magbigay pugay sa Nuestra Senora de Peregrina. Ngunit ito’y gumuho dahilan sa malakas na lindol. Pinasimulan ni Fr. Pedro A. Flores ang muling pagsasa-ayos ng Simbahan, ngunit natapos ito sa panunungkulan ni Fr. Ramon Cervices noong 1888. Nagpatayo din ng maliit na libingan para sa mga prayle si Fr. Cervices, kung saan ito ang nagging ekstensyon ng San Antonio at Bustillos Streets.

Si Fr. Cervices ang huling Pransiskanong prayle na nagtagal hanggang 1896 sa rebolusyong nasagawa. Ang mga layunin at kinalabasan ng misyon ng mga misyonaryong Pransiskano ay nagging matagumpay at nagkaroon ng malaking papel sa ating kultura at tradisyon.

Ang Simbahan sa Panahon ng Rebulusyonaryong Pilipino

Sa panahon ng Rebulusyonaryong Pilipino, nilisan ng mga Pransiskano ang mga simbahan at nagtungo sa simbahan sa Intramuros, marami sa mga simbahan ay pinabayaan dahil sa ang mga prayleng Pilipino ang namamalakad sa simbahan. Isang prayleng secular ang namahala sa Kambal na Simbahan ng Bustillos, Legarda sa panahon ng Rebulusyonaryong Pilipino.
Nang matapos ang rebulusyon, nagging malaking dagok ito sa mga regular na prayle. Dahilan sa digmaang nararanasan mula sa mga Amerikano, marami sa mga Prayle ang lumisan ng bansa at ipina-ubaya na lamang ang simbahan sa secular. Hindi na nila nagawa pang kunin ang simbahan dahilan sa pinapalisan na din sila ng mga Amerikano at maging mga Pilipino.

Ang simbahan ay pinanghawakan ng Secular ng prayle sa pangangalaga ng Arsobispo ng Maynila. Ngunit hindi nagawang makuha ng mga Secular ang mga posesyon at mga gamit na mayroon ang Commision ng Tertyaris.

Noong 1907 isang pagtatalo ang naisagawa dahilan sa pagkukuha ng posesyon ng mga kayamanang napapaloob sa VOT sa Sampaloc. Ayon sa mga Pransiskano, tanging sila lamang ang may karapatang mag-ako ng mga posesyon at lupain ng sampaloc na pinagtatayuan ng Simbahan. Noong ika-27 ng Abril 1909 ang disisyon ng “Tribunal del Registro de Propiedad” ay pumabor sa mga Pransiskano na nirerepresenta ni Fr. Caviedes.

Ang Simbahan sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lahat ng mga Simbahan na ipinatayo sa Maynila ay nawasak. Ito ay isang malaking dagok sa buhay ng mga Prayle, maging ang Simbahan ng Bustillos ay nasira at hindi na mapakinabangan sa laki ng danyos. Dahilan sa ang intramurous ang nagiging sentro ng mga Militar sa tuwing may gyera. Naisipan ni Fr. Mariano Montero na ilipat na lamang ang pagsasagawa ng simbahan sa Sampaloc. Dahilan ditto,a y inilipat niya ang Simbahan ng Sta. Ana, at maging ang rebulto ni San Antonio ng Padua sa altar ng Simbahan ng Sampaloc. Dahilan sa hirap ng buhay sa kapanahunan ng pagtatapos ng ikalawang digmaan pangdaigdig, mas dumami ang deboto ng simbahan at tuwing Martes ay nagsasagawa ng nobena sa misa. Pinangalanan din ang simbahan bilang “Shrine of St. Antonyo”, sa pagtutulungan ng mga mamamayan sa Sampaloc at Rev. Rufino Santos, na Arsobispo ng Maynila, ay naipatayo ng Kambal na Simbahan.

Nagpatayo din si Fr. Victorino Caballer ng maliit na simbahan sa tabi ng simbahan ng San Antonyo at pinangalanan itong “St. Francis Guest House”. Isa sa mga layunin ni Fr. Caballer ay gawing maliit na klinika ang unang palapag, at kainan ang ikalawang palapag, ang ikatlo at ikaapat ay pahingahan ng mga Prayle.

Si Fr. Roberto Manguiat ang itinalagang mangalaga nito, at noong 1967 na natapos ang pagpapagawa ng Simbahan.

Ang Simbahan Ngayon
Sa ngayon ay nagkaroon ng malaking papel ang simbahan sa pagtataguyod ng doctrina ng diyos. Si Fr. Wilfredo Benito ang itinalaga bilang tagapangsiwa ng Simbahan ng Birhen ng Loreto, habang si Fr. Romeo Floralde naman ang itinalagang humawak sa Simbahan ng San Antonyo.

Ngayon ay aktibo ang simbahan sa mga pyesta at mga misang naisasagawa tuwing Huwebes ang Linggo. Bukas din ang simbahan sa mga mangungumpisal. Nagpatayo din si Fr. Benito ng maliit na moseo katabi ng Simbahan.

Sa kasamaang palad ay maraming mga establi-semento ang naipatayo katabi nito. Marami ding mga tindahan ang nasa katabi nito. Ang labas na kaanyuan ng simbahan ay pinapaganda. Ngunit, gustuhin man ng simbahan na paalisin ang mga nagtitinda sa labas ng Simbahan ay wala naman itong maisagawa. Naging ani-palengke ang palibot ng simbahan. Nakalulungkot man sabihin, ngunit, mas nagbibigay pagpapahalaga na ang mga tao sa pera, at kinalilimutan na nila ang tunay na gawain ng Simbahan.

Sangguniang Aklat

Hirschkind, Charles (2004) “Civic Virtue and Religious Reason: A Catholic Counter-Public.” Quezon City
Parish Church of Our Lady of Loreto “Blessings of the Parish Church for Our Lady of Loreto” Manila, 1958
Pio, Trinidad V., “A Devotional to St. Pio Pretrelina. St. Francis of Asisi” Quezon City 1972
Rodriguez, Roberto L.,”The Church Jesus Built” (g.mag publishing Inc. 2006)
Thompson, J.P., “The Philippines in Christian World”, (W.N.) 1972

Artikulo
Ante, Oscar (OFM), “Saint Anthony Shrine Newsletter” November 23, 2001
De Vera, Ellalyn B., “Twin Churches in Bustillos Street as Manila’s Spiritual Beacons” Manila Bulletin (June 19, 2005)

No comments: